REPORTER: Sir, kung wala po kayong evidence, witness or suspect ano na po ang next step ninyo??
Police: DNA na...
REPORTER : sir, ano po yung DNA
Police : "Di Namin Alam "
Man1: Away kami ni misis, nag-Historical siya
Man2 : Pare baka ang ibig mo sabihin ay nag-Hysterical
Man1 : Hinde, historical kasi inungkat lahat ng kasalanan ko!"
"Naglalakad ang mag-ama, nakakita ng eroplano
ANAK: Tay! Krus! Ang laking krus!
TATAY (Binatukan ang anak): Nakita mo ng krus eh! Lumuhod tayo!"
bobo1: Pare, alam mo ba tawag sa paniki na mababa ang lipad?
bobo2: hindi eh! ano ba pare?
bobo1 : Lowbat pare! Lowbat!
Pare 1 : Pre, nasusuka ako kaya lang di ako masuka
Pare 2: Madali lang yan, pre ~ sundutin mo tonsils mo (pare 1 sinundot ang tonsils ..)
Pare 1: Di pa rin e
Pare 2 : Hmmmmm ... sundutin mo pwet mo (pare 1 sinundot ang pwet ...)
Pare 1 : Wala pa rin
Pare 2: Ngayon, tsaka mo ule isundot sa bibig mo ... pag hindi ka pa masuka nyan ewan ko na!
Holduper: Pili ka, wallet mo o pasabugin utak mo?
Biktima : Ikaw na bahala..bastaa pareho po yan walang laman!
TEACHER: Anong similarity nina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Ninoy Aquino at Apolinario Mabini?
STUDENT: Ma'am, pagkaka-alam ko po, silang lahat ay pinanganak ng holiday! ?
TITSER: Juan, use recharge & caffeine in a sentence.
JUAN : Si "Recharge" Gutierrez ay si "Caffeine" Barbell. ?
BUNSO: Tay , may multo daw sa kusina natin?
TATAY: Anak, sino naman nagsabi sayo nyan?
BUNSO : Si ate po!
TATAY : Ay nako, wag ka nga magpapaniwala dun! Wala namang multo eh! Ang mabuti pa samahan mo na lang ako sa kusina, at iinom lang ako ng tubig...
PROMDI : Lam ko promdi lang ako kaya wag mo kong lolokohin! Bakit ganito ang kwarto ko?!?! Maliit, wala pang kama at bintana..... ha?!?!
ROOMBOY : Sir, nasa elevator pa lang po tayo...
MRS: Bakit ngayon ka lang?
MR : Pasensha na, nagyaya mga officemates ko, nagkainuman lang. Hehe! Hik,
MRS: Lasing ka no?
MR: Ako, lashing? Hindi! Hik
MRS : Anong hindi?! La ka namang trabaho, pano ka nagka-officemates?
Jun-Jun : Inay! Ako lang ang nakasagot sa tanong ng titser namin kanina!
Inay: Very good! Ano ba an g tanong ng titser ninyo?
Jun-Jun : "Sino ang walang assignment?"
Titser: Ano ang hugis ng mundo?
Juan: Kuwadrado po, maam!
Titser : Hindi! Ang mundo ay bilog.
Juan: Pero maam, sabi ng lolo ko, narating na niya ang APAT na sulok ng mundo. May sulok po ba ang bilog?
Thelma: Sabi mo, dok, safe ang calendar method. Eh, bakit ako nabuntis?
Dok: Paano nyo ba ginamit ang kalendaryo?
Thelma : Ginawa naming banig.
Boss asks sexy secretary to a dinner after overtime: Are you free tonight?
The sexy secretary replies: Sir, ha... huwag naman, FREE... Bibigyan na lang kita ng discount!
Girl: Maganda ba ko?
Boy: Oo, kaya lang, Bumbayin ka...
Girl: Hindi naman ako mukhang Bumbay, ah?! Tisay yata to!
Boy : Oo nga, pero 'yung amoy mo, Bumbayin!
Gumimik sa mall ang tatlong binatilyo...
Jepoy: SYET! Ang cute nung girl!
Kevin: Sexy pa! Grabe!
Nathan: Sino? Yung naka-mini skirt, na red? Yun, yun ba? Ha? Kilala ko siya! Teka tatawagin ko ha, kuyaaahhh Ambet!
Eliseo : Sobra na talaga ang katangahan ng kumare mo. Ang akala niya, ang LAWSUIT ay uniporme ng pulis!
JoshuA: Sus! Tanga nga! Eh di ba, uniporme ng abugado yun?!
Host: Ano po ang maipaglilingkod ko sa inyo?
Tanda: Pwede ho bang manawagan?
Host: Ilang taon na po kayo?
Tanda: 98 y/o na po ako.
Host: Wow! Ang tanda nyo na pala! O, sige po... manawagan na kayo.
Tanda: Itay, umuwi na kayo! Hindi na nagagalit si Lolo sa inyo!
Namatay ang isang mister na babaero. Sa requiem mass, sinabi ng pari patungkol sa namatay, "An honest man, a good man, a family man" et cetera.
Binulungan ng biyuda ang panganay na anak, Pakisilip nga ang kabaong kung ang daddy mo nga ang nasa loob!"